SiyenSining

SIYENSINING
Dr. Vim Nadera, Jr.

Si Victor Emmanuel Daelo Carmelo Nadera Jr. ay isang Professor sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod Quezon na kasalukuyang nakadestino bilang Direktor IV ng Philippine High School for the Arts.

Nagtapos si Vim ng B.S. at M.A. Psychology sa UST at bilang art therapist, siya ay nakatulong na sa mga maykanser, may AIDS, nagdrodroga, “comfort women,” batang kalye, inabuso, naipit sa mga kalamidad na likas at likha ng tao, at mga nagdadalamhati. Ginawaran siya ng Community Service Award mula sa ika-50 anibersaryo ng Philippine Society of Oncology, Inc. noong 11 September 2014.

Tinapos niya ang kaniyang Ph. D. sa Philippine Studies sa UP na ang disertasyon niya ay ukol sa malay sa palay bilang talinghagang bayan.

Kinilala na siya sa Asya sa pamamagitan ng South East Asian Write Award (2006); sa bansa sa tulong ng TOYM o The Outstanding Young Men (2003) at Gawad Balagtas (1998) mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Kasapi ng Technical Committee on Literature ng Commission on Higher Education, ng Culture Committee ng UNESCO National Commission of the Philippines, at ng Board of Directors ng Philippine Center for Gifted Education – si Vim ay napiling Festival Director ng unang Performatura: Performing Literatures noong 6,7, at 8 Nobyembre 2015 sa Cultural Center of the Philippines.

Noong 30 Disyembre 2015, noong ika-119 Araw ni Rizal, pinarangalan siya sa kaniyang bayan ng Tayabas sa kaniyang pagtanggap ng Gawad Pambansang Alagad ni Francisco Balagtas mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas noong 2015.

   
About The Author
- TVUP is an Internet television (webcast) network operated by the University of the Philippines which delivers free content for information and educational purposes.